ano ang paliwanag ng bawat saknong sa florante at laura
1. ano ang paliwanag ng bawat saknong sa florante at laura
Sinasabi sa bawat saknong ang pagpapakita at pagpapadama ng pagmamahal ng mga tauhan mula sa mapagmahal na mga magulang ni Florante at Laura. Gayon din naman ang pagmamahal ng mga mapagmalasakit na kaibigan ni Florante mula pa sa kanyang kabataan hanggang sa huling yugto ng kwento. At sa mga minamahal na magkakasintahang Florante at Laura, Aladin at Flerida.
Ipinapakita rin sa kung paano napagtagumpayan ng mga pangunahing tauhan ang mga pinagdaanang pagsubok at trahedya.
Mapapansin din sa mga saknong ang pagpapahayag ng pag-asa at katatagan ng loob sa lahat ng sitwasyon kahit ito man ang pinakagipit at pinakamasamang sitwasyin gaya ng pinagdaanan ng apat na pangunahin tauhan.
Ipinapahayag din dito na laging nagtatagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan tulad na lamang ng pagtataumpay ni Florante na ipagtanggol ang bayan ng Krotona sa pananakop ni Heneral Osmalik at sa kasamaan ni Konde Adolfo. At si Aladin naman mula sa kanyang buhong na ama at dalawang leon na sisila kay Florante.
2. anu ang paliwanag ng bawat saknong sa florante at laura
Ang Florante at Laura ay isang mahabang tula na siyang isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar upang ialay kay MAR. Sa dami ng mga kabanata nito, maaari itong maibuod sa ilang bahagi lamang. Ang bawat saknong ay nagpapakita ng pinagdaanang hirap at pasakit ni Florante para lamang sa kanyang bayan at iniibig na si Laura.
3. Paliwanag sa bawat saknong ng Pagliligtas sa Albania(Florante at Laura) Saknong 317 - 328
Answer:
Ang lahat ng mga tao sa Albanya ay naging masaya maliban sa isang tao- si Konde Adolfo. Ang pagseloso niya ay lumaki pagkatapos ng pagliligtas ng Albanya, at determinado si Adolfo na papatayin niya si Florante.
Explanation:
Sana makatulong, good luck
4. Paliwanag ng Florante at Laura saknong 81
jito ay aralin 2 at ayun lang po alam ko
5. Mga paliwanag sa saknong (207-231) ng Florante at Laura
Answer:
MGA PALIWANAG SA SAKNONG (207-231)
Saknong 207-214
Ang pangalan ng guro ni Florante sa Atenas ay nagngangalang Antenor, isa siyang mabait at matalinong guro. Sa Atenas niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno, na tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, at ng kanyang mga kamag-aaral dahil sa katalinuhang taglay at angking kagandahang-asal nitong pinapakita.
Saknong 215-231
Sa loob ng anim na taong pag-aaral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo kaya’t lumabas ang tunay na pagkatao nito. Lalo nahalata ang tinatago nitong pag-uugali ng minsang nagkaroon sila ng isang dula sa isang palatuntunan sa kanilang eskwela. Ito’y tungkol sa magkakapatid na sina Etiocles (ginampanan ni Florante) at Polinese (bahagi namang ginampanan Adolfo) na naglaban ng espadahan upang mapasiyahan kung sino sa dalawang prinsipeng mga anak ni Reyna Yocasta (sa katauhan ni Menandro) ang papalit sa namatay nilang ama na si Haring Edipo. Sa kunwaring espadahan at labanang ito, talagang matitinding taga ang hinandulong kay Florante ng may masamang balak na si Adolfo. Mabuti na lamang at sa kaliksihan ni Menandro ay napailandang ang espada ni Adolfo at ang kataksilan niya ay nabigo. Kinabukasan ay lumisan na at umalis na sa Atenas at umuwi sa Albanya ang napahiyang si Adolfo. Ang hangad at masamang balak pala nito ay ang maagaw si Laura kay Florante na siyang iniibig ng dalaga upang maging hari kung maging reyna na si Prinsesa Laura, sakaling yumao o mamatay si Haring Linseo.
MGA PALIWANAG SA BAWAT SA SAKNONG
207
Kaklase ni Florante ang anak ni Konde Silenus na nagngangalang Adolfo.
208
Si Florante ay labing-isang (11) taong gulang samantalang si Adolfo naman ay labing-tatlong taong gulang ay 13. Si Adolfo ang masasabing pinakamatalino sa buong klase, kaya ito ay tinitingalaan sa buong eskwelahan.
209
Si Adolfo ay may taglay na mga katangiang mabait, mahinahon, hindi nakikipag-away at hindi mayabang.
210
Si Adolfo ang huwaran o model student sa kanilang klase na nais tularan ng lahat.
211
Hindi malaman ng kanilang guro ang mga sikretong itinatago at nilalaman ng puso ni Adolfo.
212
Itinuro ng ama ni Florante na ang pagiging matalino ay kailangan ding maging mapagpakumbaba.
213
Biglang nagtaka ang mga kaklase ni Florante kung bakit hindi natutuwa si Florante sa ugali at asal ni Adolfo.
214
Ngunit hindi naman maintindihan ni Florante kung bakit niya iniiwasan ang kanyang kaklaseng si Adolfo.
215
Sa mga nagdaangmga araw, mas lalo pang nagiging matalino si Florante.
216
Pinag-aralan ni Florante ang pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
217
Sa loob ng anim na taon, naging dalubhasa at bihasa si Florante sa pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
218
Parang naging isang milagro, at nahigitan ni Florante ang angking talino ni Adolfo.
219
Si Florante na ang naging sikat at kilala sa Atenas dahil sa katalinuhan ng taglay.
220
Nabuking at nabisto ang pagbabalat-kayo at pagpapanggap ni Adolfo, hindi pala siya talagang mabait at hindi totoo ang lahat ng mga katangiang ipinakita nito.
221
Nahalat ng marami na peke at hindi pala totoo ang pagiging mahinahon ni Adolfo.
222
Nakita at nalaman ng lahat ang tunay na pagkatao ni Adolfo ng ang mga mag-aaral ay naghahanda sa kanilang paligsahan at dula.
223
Nagsimula ang paligsahan at dula sa awitan, kantahan, at pati na rin sa arnis.
224
Isinadula nina Florante ang "The Odyssey" ito ay ang kwento ni Oedipus. Napangasawa niya ang sarili niyang ina na si Reyna Yocasta.
225
Gumanap si Florante bilang Eteocles, anak ni Oedipus (ang ina ni Eteocles ay di malaman kung si Jocasta o Euryganeia). Si Adolfo naman ay gumanap bilang Polyneices at si Menandro naman ay gumanap bilang Reyna Yocasta.
226
Sa isang eksena, kikilalanin ni Florante si Adolfo bilang kapatid (anak ni Oedipus).
227
Nagulat ang lahat ng bumigkas si Adolfo ng mga galit na salita na wala naman sa iskrip.
228
Sumugod si Adolfo kay Florante at tatlong beses sinubukang tagain.
229
Si Florante ay nahulog, mabuti na lang at tinulungan siya ni Menandro.
230
Sinangga ni Menandro ang tama na sana ay papatay kay Florante, at tumalsik ang kalis ni Adolfo.
231
Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya dahil sa ginawa nito.
Para sa mga Karagdagang Kaalaman
Buod at mga Tauhan ng Saknong 207-231 ng Florante at Laura: brainly.ph/question/2129192
#LearnWithBrainly
6. paliwanag ng florante at laura saknong 156
Ito ang saknong 156 ng Florante at Laura:
Anupa't kapwa hindi nakakibo
Di nangakalaban sa damdam ng puso;
Parang walang malay hanggang sa magtago't
Humilig sa Pebo sa hihigang ginto.
Ipinapaliwanag ng saknong 156 na ito na tahimik at hindi nakakibo sina Aladin at Florante. Binanggit sa mga naunang saknong na kung hindi nakita ni Aladin si Florante, siya ay mamatay sa pamamagitan ng pagkain sa leon, kung saan nabanggit ni Florante na ito ang nais niya - ang mamatay dahil sa nararanasan niyang hirap sa buhay at hindi niya kailangan ang awa ni Aladin. At dahil dito ay natahimik ang dalawa, at tila ay parang hinimatay hanggang sa lumubog ang araw at dumilim.
Para sa karagdagang kaalaman, maaring tignan at basahin ang mga impormasyon sa mga link na ito:
https://brainly.ph/question/2110064
https://brainly.ph/question/1237955
https://brainly.ph/question/1376036
7. Florante at Laura Sawing kapalaran paliwanag bawat saknong
Answer:
Florante at Laura: Sawing Kapalaran
21. “Ang lahat nang ito, maawaing Langit,
Iyong tinutunguha’y ano’t natitiis?
Mula ka ng buong katuwira’t bait,
Pinayagan mong ilubog ng lupit.
Paliwanag - Tinatanong ni Florante ang Langit kung bakit nito hinayaan ang mga pangyayaring ito.
22. “Makapangyarihang kamay mo’y ikilos
Papamilantakin ang kalis ng poot,
Sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok,
Ang iyong higanti sa masamang loob.
Paliwanag - Inuudyok ni Florante ang Langit na lipulin ang kasamaan sa Albanya.
23. “Bakit, kalangita’y bingi ka sa akin
Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
Diyata’t sa isang alipusta’t iring
Sampung tainga mo’y ipinangunguling?
Paliwanag - TInatanong ni Florante ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga hiling
24. “Datapuwa’t sino ang tatarok kaya?
Sa mahal mong Lihim, Diyos na dakila?
Walang mangyayari sa balat ng lupa,
Di may kagalingang Iyong ninanasa.
Paliwanag - Hindi maunawaan ni Florante ang Langit. Hindi raw mananaig ang kabutihan sa mundo kung pumayag ang Langit na mangyari ito
25. “Ay saan ngayon ako mangangapit?
Saan ipupukol ang tinatangis-tangis,
Kung ayaw na ngayong dinigin ng langit,
Ang sigaw ng aking malumbay na boses!
Paliwanag - Sino ang lalapitan na ngayon ni Florante, gayong hindi siya pinakikinggan ng Langit?
26. “Kung siya mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata,
Isagi mo lamang sa puso ni Laura,
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala.
Paliwanag - Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng puso ni Laura.
27. “At ditto sa laot ng dusa’t hinagpis,
Malawak na lubhang aking tinatawid,
Gunita ni Laura sa naabang ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib.
Paliwanag - Sa gitna ng kahirapan ni Florante, ang ala-ala ni Laura ang bumubuhay sa kanya.
28. “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya,
Nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa,
Higit sa malaking hirap at dalita
Parusa ng taong lilo’t walang awa.
Paliwanag - Matutuwa si Florante nang lubos basta isipin siya ni Laura. Yun nga lang, nalulungkot siya nang lubos gawa ng pagtataksil.
29. “Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin
Malamig nang bangkay akong nahihimbing
At tinatangisan ng sula ko’t giliw,
Ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin.
Paliwanag - Iniisip ni Florante na patay na siyang nakagapos dun sa puno.
30. “Kung apuhapin ko sa sariling isip,
Ang suyuan naming ng pili kong ibig,
Ang pagluha niya kung ako’y may hapis,
Nagiging ligaya yaring madlang sakit.
Paliwanag - Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila ni Laura, yung mga dati niyang luha sa bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan ang kanyang kahirapan.
31. “Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong suyuan,
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
Ay humihilig na sa ibang kandungan?
Paliwanag - Sabi ni Florante para saan pa ang pag-ibig, ngayon na tahimik na si Laura at may kasama nang iba.
32. “Sa sinapupunan ng Konde Adolfo
Aking natatanaw si Laurang sinta ko;
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo
Nang di ko damdamin ang hirap na ito?”
Paliwanag - Gusto nang mamatay ni Florante dahil naiisip niya na magkayakap sina Konde Adolfo at Laura.
33. Dito hinimatay sa paghihinagpis,
Sumuko ang puso sa dahas ng sakit,
Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
Paliwanag - Hinimatay si Florante.
Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/2123058
8. Paliwanag ng saknong 126 sa florante at laura
Florante at laura aralin 25
9. Paliwanag sa saknong 312 ng florante at laura?
312 - Sandali lamang ang kasiyan sa pagiging matagumpay na pakikipaglaban dahil naalala ni Florante ang balitang pumanaw na ang kanyang ina na nagdulot ng kalungkutan at oangungulila.
10. paliwaNag ng florante at Laura saknong 36
"Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo
nitong sa dalita'y hindi makakibo,
aakayin biglang umiyak ang puso,
kung wala nang luhang sa mata'y itulo."
Ang ikatatlupu't anim na saknong ng Florante at Laura na nasa itaas ay tumutukoy sa paghihirap ni Florante na kahit sinong makakakita sa sitwasyon nito ay tutulo ang luha. Sinasabi dito na ang kalagayan ni Florante ay hindi na makakibo sa hirap. Ngunit patulo'y pa rin siya sa kanyang kinalalagyan. Maituturing ito na kagaya ng lipunan ng panahong isinulat ang Florante at Laura na kahit hirap na hirap na ang kalagayn ng mga Pilipino ay patuloy pa rin ang paghagupit sa kanila.
https://brainly.ph/question/3817
https://brainly.ph/question/1956407
https://brainly.ph/question/551125
11. paliwanag ng florante at laura saknong 245
Florante at Laura:
²⁴⁵ "Huwag malingat at pag-ingatan mo
ang higanting handa ni Konde Adolfo;
pagilag-ilagang basilisko,
sukat na ang titig na mata'y sa iyo."
Paliwanag:
Sinasabi dito ni Antenor na mag-iingat si Florante kay Adolfo sa paghihiganti nito. At huwag ipapaalam na alam niya ang masamang pinaplano nito sa kanya.
Always Stay Cool at School~ xD
12. florante at laura kabanata 10 paliwanag ng bawat saknong
Answer:
Mga Paliwanag sa Florante at Laura Kabanata 10:
Mula sa Saknong 126-142
126 - Hinanap ni Aladin kung saan nagmumula yung boses. Ginamit niya ang kanyang sandata para putulin ang mga nakaharang sa kanyang daan sa gubat.
127 - Patuloy na ginamit ni Aladin ang kanyang kalis, hanggang natagpuan niya ang pinagmumulan nung mga iyak.
128 - Siguro mga alas singko na ng hapon nang makita ni Aladin si Florante.
129 - Naawa si Aladin.
130 - Hindi siya kumibo. Nakita niya yung dalawang leon.
131 - Mukhang gutom yung mga leon, at handa nang pumatay.
132 - Inilarawan dito yung itsura nung mga leon. Inihambing sila sa mga Furies.
133 - Humanda nang umatake ang mga leon. Umatake si Aladin.
134 - Tinaga ni Aladin ang mga leon.
135 - Ginamit ni Aladin ang kanyang kalasag (shield) at kalis para manaig sa mga leon.
136 - Lumuha si Aladin habang inalis niya ang mga lubid ni Florante. Hinimatay si Florante.
137 - Naawa si Aladin habang nakita niyang umagos yung dugo duon sa mga sugat ni Florante.
138 - Pinutol ni Aladin ang mga lubid gamit ang kanyang espada, para mabilis.
139 - Sinubukan ni Aladin na bigyan malay-tao si Florante.
140 - Nung makita niya ang mukha ni Florante, inisip ni Aladin na magkahawig ang kanilang mga sitwasyon.
141 - Napansin din ni Aladin ang tikas ni Florante. Magkatulad silang dalawa.
142 - Nakahinga nang maluwag si Aladin nung makita niyang nagising si Florante.
Para sa iba pang impormasyon:
brainly.ph/question/1396589
13. saknong 355-357 sa florante at laura paliwanag
Answer:
Saknong 355:
Nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. Kahit naging tagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na parang isang bilanggo.
Saknong 356:
Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania. Dahil sa nangyaring ito kailangang pugutan si Aladin.
Saknong 357:
Gabi bago ang araw ng pagpupugot kay Aladin ay may dumating na heneral sa kanyang kulungan. May dala siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa kamatayan.
pa brainliest
14. paliwanag ng florante at laura saknong 78
Answer:
Sa saknong na ito, binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May diyos/diyosa na kunektado sa digmaan at kamatayan. Matindi ang galit ni Aladin.
#AnswerForTrees
#BrainlyBookSmart
15. Paliwanag sa saknong 126 ng florante at laura
inihayag dito ang napipintong wakas ng masaklap na mga kaganapan. ang pagliligtas ni Aladin Kay Florante at sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaisa ng mga magkakaibang paniwala. magkaaway man ang bayan at sekto, Hindi ito naging hadlang upang tulungan ni Aladin si Florante. ipinauunawa rito ang kahulugan ng pagkakapatiran.
16. Ano ang paliwanag ng saknong 16 sa florante at laura?
Florante at Laura: Saknong 16
Ang saknong na ito ay nagpapahiwatig ng saloobin ni Balagtas ukol sa pagkaka luklok sa mga taong hindi karapat - dapat sa trono sapagkat ang kanilang mga ugali ay masahol pa sa hayop na kung iisipin ay hindi angkop para sa mabangong insenso na pang suob. Sapagkat ang hari ang pinag - uukulan ng pinakamataas na paggalang ng mga taong kanyang nasasakupan at ang pag aalay ng insenso ay isang paraan ng pagsamba. Masakit para kay Balagtas na makita na ang mga namumuno ng bayan ay hindi makatarungan at hindi nararapat para sa pagmamahal, paggalang, pagpapahalaga, at higit sa lahat sa pagsamba ng taong bayan kaya naman idinaan nya sa mga linyang ito sa saknong na ito ang kanyang saloobin ukol dito. Ito ay isang mapait na katotohanan, kadalasan ang taong nailuklok na sa trono ay nagkakaroon ng pagbabago sa pag - uugali. Kung noong una ay mabait at maamo upang makuha ang simpatya ng mga tao, kalaunan ay nagiging mabangis at tuso. Nagiging mapang - abuso sila sa kapangyarihan at ganid sa kayamanan. Bagay na ipinamalas ni konde Adolfo sa kabuuan ng kwento. Nagmistula siyang maamo sa karaniwan ng mga tauhan sa kwento at ng kanya silang masilo ay agad niyang inagaw ang trono ng hari at inangkin ang lahat ng kanilang pagmamay - ari maging ang kaisipan at damdamin ng mga tao.
17. Paliwanag Saknong 29 ng florante at laura
Florante at Laura: Saknong 29
Paliwanag:
Ang saknong na ito ay nagpapahayag ng damdamin ni Florante bilang isang mandirigma na walang kakayahang lumaban sapagkat siya ay nakagapos sa isang puno na higit ang laki kaysa sa kanya at maraming hinanakit sa kanyang kalooban. Sinabi niya na sa kanyang pagkakagapos ay para na siyang patay na hindi na makakilos at wala ng buhay at ang tanging umiiral na lamang ay ang diwa niya na patuloy na nagsasabi o nagdidikta sa kanya na kailangan niyang mabuhay hindi lamang para sa kanyang sarili higit sa lahat para sa kanyang mahal na bayang Albanya.
18. ano ang paliwanag ng saknong 14 sa florante at laura
Answer:
tama
tama
tama
tama
tama
tama
tama
rama
tama
ta
Explanation:
tamauabjjjabanna
ramt
tama
tama
rama.rama
taka
19. Paliwanag ng florante at laura saknong 80
Gagawen ang lahat para sa minamahal mo
20. Ano ang paliwanag ng saknong 15 sa florante at laura?
Ang Reynong Albanya
Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutya't linggatong,
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
Base sa pagkakaintindi ko...
Kung sino pa ang may 'magandang asal', siya pa ang naghihirap. Kung sino pa ang 'mabuti', siya pa hindi makahanap ng katarungan
21. Paliwanag ng florante at laura saknong 80
Florante at Laura
Ang saknong 80 ay bahagi ng pagdating ng moro sa gubat. Ang moro ay si Aladin na kapwa nangungulila sa pag - ibig ng sinisinta. Siya ay nagtungo sa gubat upang hanapin si Flerida. Sa kanyang pagtungo sa gubat ay narinig niya ang daing ni Florante. Siya ang nagligtas rito mula sa mababangis na leon.
Saknong 80:"O pagsintang labis na makapangyarihan sampung mag - aama'y iyong nasasaklaw pag ikaw ang nasok sa puso ninuman hahamaking lahat masunod ka lamang!"
Paliwanang:
Ang pag - ibig ay makapangyarihan. Ang sinumang umiibig ay handang magsakripisyo para sa minamahal. Wala rin itong pinipili. Sa Florante at Laura, kapwa umibig sa iisang babae ang mag - amang Aladin at Sultan Ali - Adab. Sa kabila ng pagiging mag - ama, hindi ipinaubaya ng sultan sa kanyang anak ang dalaga. Bagkus, hinangad niya na si Aladin ay tuluyan ng mawala sa buhay ng dalaga sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay nito.
Nakakalungkot isipin na nawala ang pagmamahal ng ama para sa kanyang anak kapalit ng pansariling kaligayahan. Ngunit ang anak ay sadyang mapagmahal sa kanyang ama kaya't ipinaubaya nito ang dalagang iniibig. Ngunit, si Flerida na mismo ang nagpasyang sumama kay Aladin na siyang tunay niyang iniibig.
Ano ang buod ng Florante at Laura: https://brainly.ph/question/2097613
Anong aral ang makukuha sa saknong 80 ng Florante at Laura: https://brainly.ph/question/2591362
#LearnWithBrainly
22. florante at laura kabanata 4 paliwanag sa bawat saknong
Kabanata 4: Daing ng Pusong Nagdurusa (saknong 33-54)
Hinimatay si Florante dahil sa sama ng loob. Nang siya ay mahimasmasan, nagpatuloy pa rin ang kanyang paghihimutok.
Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan, may pabaon sa kanya si Laura ng luhaang bandang may letrang L, dahil natatakot si Laura na masugatan siya. Nang dumating siya na may munting galos, agad ginamot ni Laura. Kaya’t ngayo’y tinatanong niya sa kanyang sarili, kung nasaan na ang lahat ng pag-aaruga ni Laura sa kanya.
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
Para sa karagdagang detalye tingnan ang link:
https://brainly.ph/question/2119846
23. paliwanag ng florante at laura saknong 249
Buod ng bawat kabanata ng Florante at laura Aralin 1 Kay Selya Ang araling ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng isang dalisay na pag-ibig. Ito'y tungkol sa ..
24. Paliwanag sa saknong 34 to 54 ng Florante at Laura
Paliwanag sa Bawat Saknong, 34 to 54 "Daing ng Pusong Nagdurusa" sa Florante at Laura
34 - Ang mga marka ng pagpapahirap ay makikita sa buong katawan ni Florante.
35 - Kung sakaling si Florante ay makita ng pinakamarahas na magpaparusa, ito ay mahahabag sa itsura ni Florante.
36 - Maging ang taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, ay muling maiiyak kung mamasdan ang kalagayan ni Florante.
37 - Ang sino mang makarinig sa mga daing at tunog na galing kay Florante ay makakaranas ng malalim na awa.
38 - Ang mga ungol ni Florante ay rinig sa buong gubat . Mga alingawngaw (echoes) lamang ang sumasagot sa kanya.
39 - Si Florante ay nagtanong sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
40 - Si Florante ay sinusumbat kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Si Florante ay naging tulala. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na ang araw ay darating na magtataksil sa kanya si Laura.
41 - Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura. Hindi niya akalain na sa kabila ng kagandahan ni Laura, may nakatago palang pagtataksil.
42 - Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak noon ni Laura ay walang saysay.
43 - Naalala ni Florante na buhay na buhay ang mga mata ni Laura nuong gumawa ng sagisag si Laura para sa kanya.
44 - Naalala ni Florante ang kanyang plumahe (para sa ulo/helmet) na noon ay ginawa ni Laura.
45 - Naalala ni Florante na maraming beses binigay ni Laura ang bandana na basa sa mga luha dahil sa alalang-alala si Laura sa kapakanan ni Florante sa digmaan.
46 - Sinisigurado noon ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito. Ayaw ni Laura na ang damit ni Florante ay madumihan.
47 - Hinahanap ni Laura si Florante sa tuwing sya ay tumitingin mula sa malayo sa mga hukbo (army).
48 - Ang turbante (turban) ni Florante ay pinalamutian ng mga diamenteng hugis letrang "L".
49 - Hindi pa mapakali si Laura sa tuwing bumabalik si Florante mula sa digmaan.
50 - Si Laura ay nag-aalala na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.
51 - Tinatanong ni Laura kung ano mga bagay na gumugulo sa isip ni Florante. At habang hindi pa niya ganap na nauunawaan ang mga ito, ay hahalikan niya si Florante na paulit ulit sa pisngi.
52 - Kapag tahimik lamang si Florante, dinadala siya ni Laura sa hardin para maaliw sa mga bulaklak duon.
53 - Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni Florante, at hindi tumitigil si Laura hangga't di niya naalis ang kalungkutan ni Florante.
54 - Maluluha si Laura kung malungkot pa rin si Florante. Hinahanap ni Florante ang dating pagmamahal ni Laura.
Karagdagang Kaalaman:
https://brainly.ph/question/2116097
https://brainly.ph/question/547845
https://brainly.ph/question/1204854
25. paliwanag sa saknong 301-320 ng florante at laura
loving can hurts sometimes
26. paliwanag ng saknong 133 sa florante at laura
Saknong 133 ng Florante at Laura
Hindi makagalaw si Florante ng sugurin siya ng dalawang leyon dahil nakatali siya. Walang magawa si Florante ng mga panahong iyonkundi ang magparaya na lamang sa kanyang sarili na makain sa leyong iyon. Nang kumilos na ang leyon sa paglusob sa katawan ni Florante ay siya namang pagdating ni Aladin na agad hinadlangan ang mga leyon. Napatay ni Aladin ang dalawang leyon na ayon sa saknong 134. Si Florante naman ay nawalan ng malay sa nangyari ayon sa saknong 135.
'' Nagtaas ang kamay at nangakaakma
sa katawang gapos ang kukong pansira;
nang darakmain na'y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa''
Karagdagang impormasyon ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/2123735
https://brainly.ph/question/1386058
https://brainly.ph/question/2123735?
27. florante at laura paliwanag sa bawat saknong 38-54
hope it helps!
fllw and ❤
Paliwanag sa Bawat Saknong, 38 to 54 "Daing ng Pusong Nagdurusa" sa Florante at Laura
38 - Ang mga ungol ni Florante ay rinig sa buong gubat . Mga alingawngaw (echoes) lamang ang sumasagot sa kanya.
39 - Si Florante ay nagtanong sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
40 - Si Florante ay sinusumbat kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Si Florante ay naging tulala. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na ang araw ay darating na magtataksil sa kanya si Laura.
41 - Akala ni Florante buo ang pagmahahalan nila ni Laura. Hindi niya akalain na sa kabila ng kagandahan ni Laura, may nakatago palang pagtataksil.
42 - Hindi inakala ni Florante na ang mga luhang iniyak noon ni Laura ay walang saysay.
43 - Naalala ni Florante na buhay na buhay ang mga mata ni Laura nuong gumawa ng sagisag si Laura para sa kanya.
44 - Naalala ni Florante ang kanyang plumahe (para sa ulo/helmet) na noon ay ginawa ni Laura.
45 - Naalala ni Florante na maraming beses binigay ni Laura ang bandana na basa sa mga luha dahil sa alalang-alala si Laura sa kapakanan ni Florante sa digmaan.
46 - Sinisigurado noon ni Laura ang baluti (armor) ni Florante, at baka may kalawang ito. Ayaw ni Laura na ang damit ni Florante ay madumihan.
47 - Hinahanap ni Laura si Florante sa tuwing sya ay tumitingin mula sa malayo sa mga hukbo (army).
48 - Ang turbante (turban) ni Florante ay pinalamutian ng mga diamenteng hugis letrang "L".
49 - Hindi pa mapakali si Laura sa tuwing bumabalik si Florante mula sa digmaan.
50 - Si Laura ay nag-aalala na baka may sugat si Florante na hindi niya nakita at mahugasan.
51 - Tinatanong ni Laura kung ano mga bagay na gumugulo sa isip ni Florante. At habang hindi pa niya ganap na nauunawaan ang mga ito, ay hahalikan niya si Florante na paulit ulit sa pisngi.
52 - Kapag tahimik lamang si Florante, dinadala siya ni Laura sa hardin para maaliw sa mga bulaklak duon.
53 - Ilalagay ni Laura ang mga magagandang mga bulaklak sa leeg ni Florante, at hindi tumitigil si Laura hangga't di niya naalis ang kalungkutan ni Florante.
54 - Maluluha si Laura kung malungkot pa rin si Florante. Hinahanap ni Florante ang dating pagmamahal ni Laura.
Karagdagang Kaalaman:brainly.ph/question/2116097
brainly.ph/question/547845
brainly.ph/question/1204854
© luissangcap04
˜”°•.˜”°• Zildjian Payumo •°”˜.•°”˜
28. paliwanag ng saknong 148 florante at laura
Answer:
Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang mamatay si Florante.
Answer:
Inamin ni Aladin na kahit ayaw siya ni Florante, hindi niya kayang hayaang mamatay si Florante.
Explanation:
Not sure
29. Paliwanag ng florante at laura saknong 26
ang ibig sabhin ay isinasalaysay ni Laura kina Aladin, Flerida at Florante ang mga nangyari noong umalis si Florante upang bawiin ang Etolya mula sa mga Turkong mananakop; sa pagsasalaysay na ito, ibinibigyanlinaw ang pagkamatay ng Haring Linceo at Duke Briseo, at ang pagkamit ng Konde Adolfo ng lubos na kapangyarihan. Ito ay habang si Flerida ay nagsalaysay din ng tungkol naman sa kung paano niya iniligtas si Laura mula sa kahalayan ni Adolfo.
30. paliwanag sa florante at laura sa saknong 92
Paliwanag sa saknong 92 sa "Florante at Laura":
Parang naririnig ni Florante kung paano nagdasal ang kanyang ama na maprotektahan si Florante mula sa kapahamakan.